Pagbili ng 2 pang barko na mayroong anti-submarine capabilities, ikinakasa ng Philippine Navy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ng Philippine Navy ang plano nitong dagdagan pa ang kanilang mga asset na may kakayahang palakasin ang kanilang anti-submarine capabilities.

Ito ang inihayag ni Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad matapos mamataan ang isang Russian Submarine sa Cape Calavite sa Occidental Mindoro nito lamang November 28.

Sa pulong-balitaan sa Kampo Aguinaldo, sinabi ni Trinidad na nakapagsumite na sila ng proposal para sa pagbili ng dalawa pang karagdagang corvettes o di kaya’y frigate.

Binigyang-diin pa ni Trinidad na malaki ang pangangailangan para sa karagdagang Naval assets ng Pilipinas upang lalo pang mapalakas nito ang seguridad mula sa panlabas na banta.

Sa kasalukuyan, mayroong dalawang (2) missile frigate ang Pilipinas, ang BRP Jose Rizal at BRP Antonio Luna na may kakayahan din sa anti-submarine warfare.

Habang may dalawang (2) guided missile corvette at anim (6) na offshore patrol vessels ang kasalukuyang binubuo sa South Korea, at dalawa (2) pang landing docks naman ang binubuo sa Indonesia. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us