Kinumpirma ni Police Colonel Rowena Acosta, Chief ng Personal Holding and Accounting Unit of the Director of Personnel and Records Management ng PNP na mayroon nang nakahain na reklamong administratibo laban kay Pol. Col Hector Grijaldo.
Bunsod ito ng patuloy na pagliban ni Grijaldo sa pagdalo sa pag-dinig ng Quad Committee.
Sa pagtatanong ni Quad Comm co-chair Joseph Stephen, nausisa nito ang DPRM kung ano ang aksyon ng PNP sa hindi pagadalo ni Grijaldo lalo at bahagi ito ng kaniyang official duty.
Sabi ni Acosta, nang hindi dumalo si Grijaldo ng pulong noong November 7 ay naglabas sila ng notice to explain para sa opisyal.
Nakakuha rin aniya sila ng impormasyon mula sa Directorate for Investigation and Detective Management na mayroon nang Pre-Charge Evaluation and Investigation si Grijaldo dahil sa neglect of duty.
Pina-cotempt ng komite si Grijaldo nitong Huwebes, dahil hindi pa rin sumipot sa pagdinig ng apat na beses.
Kaniyang idinahilan ay ang kaniyang kalusugan at ang pagka-opera ng kaniyang balikat. | ulat ni Kathleen Forbes