Nakatakdang maghain ng kaniyang apela si Marikina City Mayor Marcelino Teodoro sa Commission on Elections (COMELEC).
Ito’y makaraang kanselahin ng Poll Body ang kandidatura ni Teodoro bilang Kinatawan ng Unang Distrito ng Lungsod dahil sa kawalan ng material misrepresentation.
Sa isang pahayag, nanindigan si Teodoro na siya pa rin ay lehitimong kandidato bilang Kinatawan ng unang distrito at ang desisyon aniya ng COMELEC ay hindi pa ‘final and executory’.
Kaya naman pasok pa sa paghahain ng apela, 5 araw mula nang matanggap ang kopya ng desisyon salig sa Comelec Resolution No. 11046.
Una kasing ipinunto ng Poll Body sa resolusyon nito na bigo umanong patunayan ni Teodoro ang kaniyang residency sa unang distrito.
Bukod dito, nakarehistro rin sa ikalawang distrito ang asawa nito ay Mayoralty Candidate na si Cong. Maan Teodoro.
Pero paliwanag ni Mayor Marcy, kinilala naman ng Election Registration Board (ERB) sa 1st District ang inihain niyang petisyon kaya’t maituturing aniya itong ligal na batayan. ulat ni Jaymark Dagala