Paglalagay ng checkpoint para sa mga dayuhan sa kidnap-prone areas, iminumungkahi ng Senate panel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inirerekomenda ng Senate Committee on Public Order and  Dangerous Drugs ang pagsasagawa ng oplan sita at beripikasyon ng pagkakakilanlan ng mga dayuhan, lalo na sa mga itinuturing na kidnap prone areas sa bansa.

Bahagi ito ng 40-page report ng komite na nagsagawa ng mga pagdinig tungkol sa mga kidnapping na naiugnay sa operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Sa naturang committee report, minumungkahi rin sa Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) na mag-aral ng mga dayuhang wika, kabilang ang Chinese at Malay.

Inirerekomenda rin ng Senate panel ang pag-repeal o pagbasura ng Republic Act 11590 o ang batas tungkol sa POGO taxes; pagpapatupad ng mas mahigpit na polisiya sa pagbibigay ng work permit sa mga dayuhan; at ang pagrepaso ng firearms law para masigurong hindi makakagamit ng baril o ano mang armas ang mga dayuhan sa bansa.

Ipinamamadali rin ng komite ang deportation ng mga Chinese nationals na lumabag sa immigration at criminal laws ng Pilipinas gaya ng mga nahuli sa POGO. | ulay ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us