Mahigpit na tinututukan ngayon ng mga awtoridad ang paglilikas sa mga alagang hayop ng mga residenteng nakatira sa loob ng 6 na kilometro na Permanent Danger Zone (PDZ) sa paligid ng bulkang Kanlaon.
Ito’y ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang dahilan kung bakit nagiging pahirapan ang paglilikas sa mga residente sa kabila ng ipinatutupad na forced evacuation.
Batay sa datos ng NDRRMC, aabot na sa mahigit 6 na libong pamilya o katumbas ng mahigit 20 libong indibidwal ang apektado mula sa 21 barangay sa mga lalawigan ng Negros Occidental at Oriental.
Ngunit, nasa mahigit 3 libong pamilya o katumbas ng mahigit 9 na libong indibidwal lamang ang kasalukuyang nanunuluyan sa mga evacuation center, kabilang na ang 2 libong indibidwal na nasa La Castellana.
Namahagi na rin ng hot meals ang mga tauhan ng Philippine Red Cross (PRC) sa lugar habang ang DSWD naman ay naghanda na rin ng mahigit 3 libong hygiene kits at modular tents. | ulat ni Jaymark Dagala.