Nakatutok ang Pilipinas sa pagpapalakas ng trade partnership nito sa Canada at iba pang miyembro ng World Trade Organization (WTO).
Sa pulong kasama si WTO Director General Dr. Ngozi Okonjo-Iweala sa Malacañang (December 4), inilatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang malalaking plano ng bansa, upang pa-igtining ang trade at commerce ng Pilipinas sa mga kabalikat nito.
Aniya, Sa ginawang pagbagong ng bansa, mula COVID-19 pandemic, nakita ng lahat ng kahalagahan ng kalakalan sa ekonomiya.
“We have big plans and I think one of the many things that we picked up from the conference just like Davos with interactions with other leaders and other countries, is that it really requires transformation. But trade has become more important than ever,” -Pangulong Marcos.
Ang WTO official ay nasa Pilipinas upang makapulong ang mga kalihim ng Department of Finance, Trade, at Agriculture.
Una na rin nitong pinapurihan ang Pilipinas sa matatag na economic performance nito sa gitna na global challenges.
“I want to start by congratulating you because I was looking at the numbers of the economy. And you are not doing badly at all. Six percent per annum growth rate in an environment of high inflation in the world, low growth rates. So I think the Philippines is doing reasonably well under the circumstances,” -Iweala.
Sa naging pulong naman ng panulo kay Mary Ng, ang Canada Mininster of Export Promotion, International Trade and Economic Development, ipinunto ng pangulo ang kahalagahan ng mahigpit na koordinasyon ng Pilipinas sa mga kabalikat nito, upang mai-posisyon ang bansa, bilang leading investment hub.
“We’ve been trying very hard to restructure ourselves so just to make us more business-friendly, investment-friendly. And that’s why such all of these, our interactions, are important to us,” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan
📷 PCO