Sa botong 208 na pabor ay tuluyan nang lumusot sa Kamara ang House Bill 11113 o amyenda sa Motorcycle Crime Prevention Act.
Layon nito na i-rationalize at tugunan ang ‘excessive’ na mga parusang ipinapataw sa motorcycle riders na may violation o paglabag.
Aalisin din ng panukala ang requirement na magkabit ng malaking plaka sa harap ng motorsiklo.
Sakaling maging ganap na batas ang mga lalabag ay pagmumultahin na lang ng P5,000 hanggang P20,000.
Mas mababa ito kumpara sa kasalukuyang P50,000 hanggang P100,000 na mayroon pang kulong.
Punto ni 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez, may mga pagkakataon kasi na nahuhuli ang mga motorsiklo na walang plaka, kahit na LTO naman ang atrasado sa pagre-release nito.
“It lowers the penalties that were already in place in motorcycle crime prevention act. We always said, excessive po yung dati. Minsan P50,000 yung penalty. P100,00 for simple failure to report yung transfer of motorcycle or failure to attach a plate. Sometimes there’s confusion kasi, hindi naman kasalanan ng motorist kung walang plaka kasi LTO yung problema. Time and time again, every year sa budget, kinukwestyon po namin nasaan ang plaka. Because it is related kung walang plaka minsan hinuhuli pa sila and the hard thing is yung motorist po ang dapat mag-explain or magprove na may problema yung LTO.” saad ni Gutierrez
Bagamat ibababa ang parusa, tinitiyak ng mga mambabatas na mananatili ang layunin ng batas na bantayan at panagutin ang mga kriminal na gumagamit ng motorsiklo. | ulat ni Kathleen Forbes