Kinalampag ng Department of Justice (DOJ) ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na palakasin ang border security upang hindi na maulit ang paglabas ng bansa ng mga hinahanap ng batas.
Ayon kay Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty ang mga lihim na paglabas ng bansa nina dating Bamban Tarlac Mayor Alice Guo at Atty. Harry Roque sa kabila ng lookout order ay masyadong nakakabahala.
Partikular na tinukoy ni Usec. Ty ang mga backdoor exit ng Pilipinas kung saan tila walang maayos na bantay sa mga biyahero.
Samantala, tumanggi naman si Ty na magkomento sa isyu kung may kapabayaan ba ang Embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi dahil hindi agad ipinabatid sa ating gobyerno na nandoon na pala ang mag-asawang Roque.
Noong Martes, sinabi ni Roque na nagtungo siya sa Philippine Embassy sa Abu Dhabi noong November 29 upang magpa-notaryo ng kanyang counter-affidavit sa kasong Qualified Human Trafficking. | ulat ni Mike Rogas