Pagpapalakas sa digital workforce ng Pilipinas, target ng DICT sa 2025

Facebook
Twitter
LinkedIn

Palalakasin pa ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang kapasidad ng mga Pilipino sa digital competencies sa pakikipagtulungan sa Google Asia Pacific Pte. Ltd. at Coursera.

Sa 2025, target ng DICT na palawakin pa ang Google Career Certificate Program (GCCP) na naglalayong turuan ang mga Pilipino ng mahahalagang ICT skills tulad ng cybersecurity, data analytics, IT support, at project management na tutugon sa lumalaking pangangailangan para sa ICT professionals.

Kasama pa sa mga kursong inaalok dito ang Google AI Essentials na naglalayong pagbutihin ang paggamit ng generative AI tools.

Kabilang naman sa target na benepisyaryo ng DICT ang mga walang trabaho, mag-aaral sa unibersidad, mga kabilang sa disadvantaged groups, empleyado ng micro, small, and medium enterprises o MSMEs, at manggagawa sa gobyerno.

Ayon kay DICT Assistant Secretary for Consumer Protection Wilroy Ticzon, ang programa ay nakahanay sa mga layunin na makamit ang isang cyber-secured na bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us