Pagpapaliban ng pagpirma sa panukalang 2025 budget, bahagi ng checks and balance sa pamahalaan ayon sa ilan senador

Facebook
Twitter
LinkedIn

Giniit nina Senate President Chiz Escudero at Senate Committee on Finance Chairperson Senadora Grace Poe na bahagi ng checks and balance sa pamahalaan at senyales ng maayos na demokrasya ang pagpapaliban na muna ng pagpirma ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 2025 General Appropriations Bill (GAB).

Matatandaang bukas, December 20, na dapat pipirmahan ni Pangulong Marcos ang budget bill pero hindi na muna ito itutuloy para mapag-aralan muna itong maigi.

Ayon kay Escudero, may karapatan at otoridad ang punong ehekutibo na rebyuhin, pag-aralan, at magpatupad ng line item veto sa panukalang pambansang pondo.

Ganito rin ang naging pahayag ni Poe.

Naniniwala rin ang senadora na binibigyan si Pangulong Marcos ng kanyang mga economic managers ng best advice kaugnay ng sitwasyon sa panukalang pondo.

Ito lalo na aniya’t ang General Appropirations Bill ang pinakamahalagang panukalang batass na siyang gagabay sa stability at pag unlad ng ekonomiya ng bansa sa susunod na taon. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us