Nilinaw ng Land Transportation Office (LTO) na suspendido pa rin “until further notice” ang pagpapatupad ng dalawang memorandum kaugnay sa paggamit ng improvised plates.
Naglabas ng paglilinaw ang LTO sa gitna ng mga katanungan ng motorista sa pagpapatupad ng Memorandum Circular VDM-2024-2721 at Memorandum Circular No. VDM-2024-2722.
Ang Memo Circular VDM-2024-2721 ay nagtatakda ng gabay sa paggamit ng mga improvised plate para sa sasakyan at motorsiklo.
Habang ang Memo Circular No. VDM-2024-2722 ay nagtatakda ng requirements para sa pagpapatupad at mga kinakailangan para sa pilot study ng motorcycle taxi.
Sinuspinde ni LTO Chief Vigor Mendoza II ang implementasyon ng dalawang memorandum circular para bigyang-daan ng mas mahabang panahon ang mga vehicle owner na makakuha ng kanilang plaka.
Inatasan din ni Mendoza ang lahat ng mga dealer ng sasakyan na pabilisin ang pagpapalabas ng mga plaka.| ulat ni Rey Ferrer