Welcome sa Department of National Defense (DND) ang pag-apruba ng Senado sa resolusyon na nagraratipika sa Reciprocal Access Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
Ayon sa DND, ang kasunduang ito ay inaasahang magpapalalim pa sa defense security cooperation ng dalawang bansa.
Lalo rin palalakasin ng RAA ang interoperability ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Japan Self-Defense Forces sa pamamagitan ng mga pagsasanay.
Binigyang-diin ng DND na ang RAA ay simbolo rin ng matatag na pangako ng Pilipinas sa pagpapanatili ng kapayapaan, seguridad, at katatagan sa Indo-Pacific Region. | ulat ni Jaymark Dagala