Pagsasampa ng reklamo laban kina dating Pangulong Duterte kaugnay sa rekomendasyon ng QuadComm, ipinauubaya na ng Palasyo sa DOJ

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinauubaya na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Justice (DOJ) ang pag-assess sa rekomendasyon ng quadcom na sampahan ng reklamong crimes against humanity si dating Pangulong Rodrigo Duterte at iba pa.

Ayon sa Pangulo, ito naman talaga ang proseso tuwing nagsasagawa ng oversight hearing ay magkakaroon ng findings, saka maglalabas ng rekomendasyon, at ipadadala sa DOJ.

“Well the DOJ has to make that assessment. May recommendation ang quadcom—ganoon naman talaga ang proseso. When they do an oversight hearing, mayroon silang findings, ifo-forward nila ngayon sa DOJ with their own recommendations as to how to handle the findings in the hearings.” -Pangulong Marcos

Nangangahulugan ito ayon sa Pangulo, na nasa Justice Department na ang bola, at ang DOJ na rin ang magdi-determina kung nararapat o napapanahon na magsampa ng reklamo.

Ang DOJ na rin aniya ang bahalang tumukoy ng isasampang reklamo, at pagkalap ng ebidensiya.

“So, we will go now to DOJ. The DOJ will look at it and see if it is time to file cases, what cases to file, how to produce the evidence that we will need to actually build the case up.” -Pangulong Marcos.

Sabi ng Pangulo, kailangan itong mapag-aralang maigi at upang masiguro na rin kung tama ang direksyon ng rekomendasyon ng komite ng Kongreso.

“Titingnan pa ‘yan, marami pang kailngan pang i-assess nang mabuti kung ano ‘yung maaaring maging kaso, kung tama ba ‘yung direksiyon ng rekomendasyon ng committees from the House.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us