Magpapatuloy pa rin ang Quad Committee sa pagtalakay sa isyu ng POGO.
Ayon kay Quad Comm Lead Chairman Robert Ace Barbers, dapat ay isasara na nila ang usapin ng POGO sa komite, ngunit dahil sa may lumutang na bagong development ay ipagpapatuloy pa rin nila ito.
Mayroon pa aniya silang paksa na nais mabusisi tungkol sa POGO kaya naman sa susunod na pagdinig ng komite sa susunod na taon ay kasama ito sa kanilang pag-uusapan.
Katunayan, may panibagong testigo aniya na kanilang ina-assess na maaari nilang iharap sa pagbabalik ng pag-dinig. | ulat ni Kathleen Forbes