Pagtangkilik sa mga pelikulang kalahok sa MMFF, pinanawagan ni Senadora Imee Marcos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Senadora Imee Marcos ang publiko na suportahan at tangkilikin ang mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong kapaskuhan.

Ayon kay Senadora Imee, hindi lang para sa kasiyahan ang panunuod ng mga pelikula sa MMFF, kundi para na rin mas mapalakas ang pelikulang Pilipino.

Giit ng mambabatas, ang MMFF ay pagkakataon para sa ating mga filmmaker na magpakitang gilas at itampok ang galing ng mga Pilipino.

Samantala, bilang tagapagtaguyod ng Philippine Creative Industries Development Act (RA 11904), buo ang loob ni Senadora Marcos sa pagpapalago ng mga creative industries, na layong magbigay ng trabaho, proteksyon sa mga manggagawa, at magbukas ng mas maraming oportunidad para sa mga artista at creator sa bansa.

Isa pa aniyang hakbang na naglalayong palakasin ang creative industry ay ang paglulunsad ng mambabatas ng Young Creatives Challenge (YC2), kasama ang Department of Trade and Industry (DTI). | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us