Pagtatanggol sa soberanya ng bansa, dapat alalahanin ng mga Pilipino ngayong Rizal Day — DND

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dapat alalahanin ng mga Pilipino ang mga sakripisyong ginawa ni Gat. Jose Rizal sa pagtataguyod ng pagmamahal at pagtatanggol sa soberanya ng bansa.

Ito ang mensahe ng Department of National Defense (DND) kasabay ng paggunita ng sambayanang Pilipino sa ika-128 Rizal Day ngayong araw.

Ayon sa kagawaran, tularan nawa ng bawat Pilipino ang ipinakitang tapang, karunungan at walang pasubaling pagmamahal sa bayan ni Rizal.

Maisabuhay din nawa ng mga Pilipino ang tema ng okasyon para sa taong ito na Rizal sa Bagong Pilipinas: Buhay at Aral, ating nilalandas. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us