Pursigido ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tulungan ang mga pamilya at indibidwal na nakatira sa mga lansangan sa Metro Manila.
Sa pamamagitan ng Pag-abot Program ng DSWD patuloy ang operasyon nito para maialis at mailayo sa kapahamakan at maibalik sa kani-kanilang komunidad ang mga street dweller.
Mula Abril 24, 2023 hanggang Disyembre 27, 2024, umabot na sa 4,318 pamilya ang nasagip ng DSWD, habang 9,725 ang profiled na mga indibidwal.
Nasa 475 na indibidwal ang pinagkalooban ng Assistance to Individual in Crisis Situations, 38 ang Admitted sa Processing Center at 918 ang dinala sa Centers at Residential Care Facilities, 3,481 ang muling naisama sa kanilang pamilya.
Pagtiyak pa ng DSWD na mabigyan ng nararapat na interbensiyon at tulong at bagong buhay ang mga nasagip na indibidwal upang hindi na muli bumalik sa lansangan. | ulat ni Rey Ferrer