Siniguro ng Department of Agriculture (DA) na hindi ikalulugi ng pamahalaan ang pagbebenta ng murang Kadiwa rice sa halagang ₱40 kada kilo.
Kasunod ito ng nakatadang pag-arangkada ngayong araw ng pinalawak na ‘Rice-for-All’ kung saan ibebenta na rin ang murang bigas sa ilang piling istasyon ng tren at palengke sa Metro Manila.
Paliwanag ni DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, nasa ₱37-₱38 ang kuha ng Food Terminal Inc. (FTI) sa mga suplay ng bigas kaya maaari itong ibenta sa ₱40 kada kilo.
Magkahalong lokal at imported na bigas naman ang ibebenta sa naturang programa.
Wala rin aniyang dapat ipag-alala ang mga mamimili dahil maayos na kalidad ng well-milled rice ang ibebenta sa Rice-for-All. | ulat ni Merry Ann Bastasa