Walang planong itigil ng pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pagbibigay ng Malasakit Kits sa mga pasahero ng mga paliparan na kanilang pinapangasiwaan ngayong holiday season.
Ayon sa CAAP, ito ay pagpapkita ng kasiyahan sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong second wave ng holiday rush.
Giit nito, na bilang bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos Pasko 2024 ng Department of Transportation daan daang malasakit kits ang kanilang naipamahagi, na naglalaman ng refreshments at hygiene kits.
Ito ay ipinamahagi sa lahat mga airport ng Davao, Zamboanga, Dipolog, Pagadian, San Jose, Romblon, Bicol, Virac, Naga, Masbate, Tuguegarao, Tacloban, Calbayog, Borangan, Dumaguete, at Bohol-Panglao.
Patunay aniya ito sa dedikasyon ng CAAP, na bigyan ang kanilang mga pasahero ng ligtas, maayos at komportableng biyahe. | ulat ni Lorenz Tanjoco