Sinimulan na ngayong araw ng Mandaluyong City Government ang sabayang pamamahagi ng taunang “Pamaskong Handog” sa mga residente ng lungsod.
Pinangunahan ni Vice Mayor Menchie Abalos ang pamamahagi ng noche buena items sa mga residente ng barangay Poblacion.

Habang sa ibang barangay naman nag-iikot ang mga City Councilor para din sa pamamahagi ng pamaskong handog.
Kabuuang 27 barangay ang pagkakalooban ng pamaskong handog sa maghapong ito.
Taon-taon, ginagawa ng pamahalaang lungsod ang gift giving para sa mga residente nito.| ulat ni Rey Ferrer
