Pamilya ni Mary Jane Veloso, makakasama niya sa araw ng Pasko — BuCor

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Bureau of Correction (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. sa pamilya ni Mary Jane Veloso na mabibisita nila ito sa araw mismo ng Pasko, sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.

Ayon kay Catapang, pagkatapos ng limang araw na quarantine period ito ay mandatory para sa mga PDL, isasailalim naman si Mary Jane sa medical and physical examination.

Si Veloso ay dumating sa bansa lulan ng Cebu Pacific flight 5J760 na lumapag sa NAIA terminal 3, kung saan sinalubong siya ng iba’t ibang government official sa pangunguna ng Nesia team ng Bureau of Corrections.

Escorted si Veloso ng NBI, PNP, CIDG at BurCor mula NAIA terminal 3 patungo kung sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.

Dagdag pa ni Catapang, ang matagumpay na pag uwi sa bansa ni Veloso ay dahil sa pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pangunguna ng Department of Foreign Affairs. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us