Tinupad ni House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co ang naunang pangako sa mga batang pasyente ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) na maglagay ng mga TV sa kanilang mga ward.
Nasa 30 set ng TV at digiboxes ang nai-deliver at agad ding sinet up.
Giit ni Co, hindi lang ito basta para sa entertainment, ngunit para rin sa pagbigay ng aliw at inspirasyon sa mga bata at kanilang pamilya habang nasa ospital.
Bukod naman sa telebisyon ay nangako rin si Co na maglalagay ng mga solar panel sa ospital upang makabawas sa gastos sa kuryente. | ulat ni Kathleen Jean Forbes