Pangalawang impeachment complaint vs VP Sara Duterte, inihain

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ganap na 3:30 PM pormal na natanggap ng Kamara ang ikalawang impeachment complaint laban kay Vice-President Sara Duterte.

Kabuuang 75 complainants ang lumagda sa reklamo na pawang mula sa iba’t ibang progressive organizations, na inendorso naman ng Makabayan bloc na kinabibilangan nina Representative France Castro, Arlene Brosas at Raoul Manuel.

Iisa lang ang ground for impeachment sa kanilang reklamo, na betrayal of public trust na dahil umano sa panglulustay ng bise presidente sa P612.5 million na confidential funds para sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education noong siya pa ang kalihim.

Bahagi anila nito ang pag-abuso umano sa discretionary powers na may kaugnayan sa paggamit ng confidential funds, mula December 2022 hanggang third quarter ng 2023; pagbalewala umano ng bise presidente sa transparency at accountability at ang panunuya sa audit process; at ang pangatlo ay pagtalikod sa opisyal na tungkulin partikular ang pagtanggi na kilalanin ang congressional oversight, lalo na sa inquiries in aid of legislation.

Paliwanag naman ni Atty. Neri Colmenares, isa sa mga complainant, isang ground lang ang kanilang ginamit upang mabilis itong matatalakay. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us