Pinagungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang gift giving activity ngayong Lunes ng umaga, sa Manila Boystown Facility, sa lungsod ng Marikina.
Kabilang sa mga binigyan ng Christmas gift ang mga mag-aaral ng Boystown at elders ng home for the aged, na kasalukuyang naninirahan sa pasilidad.
Mensahe ng Pangulo sa mga magaaral ng Valeriano Fugoso Memorial Elementary School, tiniyak ng Pangulo na hindi nakalilimutan ng gobyerno ang mga mag-aaral at mga nakatatanda lalo na ngayong kapaskuhan.
Hinikayat din nito ang taumbayan na manatiling hopeful sa kinabukasan lalo na tuwing may pagsubok.
Binigyang halaga rin ng Pangulo ang pagiging resilient ng Pilipino sa gitna ng mga pagsubok. | ulat ni Melany Reyes