Pangulong Marcos Jr., pangungunahan ang pamamahagi ng 13,527 CoCRoM sa Region 12

Facebook
Twitter
LinkedIn

Asahan nang mabubura ang P939-milyong utang ng mga magsasaka sa SOCCKSARGEN Region.

Ayon sa Departmentnof Agrarian Reform (DAR), pangungunahan bukas ni Pangulong Ferdomand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng 13,527 Certificates of Condonation with Release of Mortgages (CoCRoM) sa mga magsasaka.

Gaganapin ang distribusyon sa Sarangani National Sports Center, sa Alabel, Sarangani.

Aabot sa 11,699 Agrarian Reform Beneficiaries mula sa mga lalawigan ng Sarangani, South Cotabato, North Cotabato at Sultan Kudarat ang makikinabang dito.

Bukod dito, ipagkakaloob din ng Pangulo ng 1,251 land title sa 1,252 ARBs na may sakop na 2,174.52 ektarya sa Sarangani. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us