Pangulong Marcos, nagpaabot ng pasasalamat sa mga indibidwal na patuloy na sumusuporta sa Marcos Family

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinandugan ng regalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ilang miyembro ng Friends of Imelda Romualdez Marcos o ang grupong FIRM sa ginanap na Pamaskong Handog mula sa Pangulo sa Rizal Park, ngayong araw (December 30).

Sabi ng Pangulo, hindi sila iniwan ng mga miyembro ng FIRM kahit pa anong kaganapan o hamon ang sumubok sa pamilya Marcos sa loob ng 25 taon.

“Alam ninyo para sa akin sa larangan ng politika, sa palagay ko may tinatawag… Lahat ng mga politiko, lahat kami dapat naghahanap kami, kailangan mayroon kaming balwarte, kailangan mayroon kaming tinatawag na core group, at sa palagay ko itong FIRM, ito na ‘yung core group.” —Pangulong Marcos Jr.

Ang ipinamamalas na suporta aniya ng mga ito, nagsisilbing inspirasyon sa Marcos Administration upang ipagpatuloy at palawakin pa ang kanilang kampanya, para sa ikabubuti ng mga Pilipino at ng buong Pilipinas.

“At muli, tayo ay nagpapasalamat, hindi kayo nakakalimot at kayo’y laging nandiyan sa aming likod. Hindi ninyo baka hindi po ninyo alam, kahit hindi namin nasasabi at kahit hindi namin madalas na mapuntahan at kayo mismo ay mapag-usapan, ramdam na ramdam po namin ang nasa likod namin, kaya’t lumalakas po ang loob namin para ipaglaban ang Pilipino, ipaglaban ang Pilipinas dahil sa inyo.” —Pangulong Marcos.

Para sa pagpapaganda pa aniya ng bansa, hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga ito na huwag magsawa, at maging bukas sa pagpapabatid sa pamahalaan ano man ang tama o mali nilang mapupuna.

“Marami pa rin tayong gagawin, kaya’t sana, sana ‘wag kayong magsawa na nandiyan na maramdaman namin na makikita, nagsasabi sa amin kung ano ‘yung tama naming ginagawa at pati na kung hindi tama magsabi rin kayo dahil para kailangan namin malaman ‘yan.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us