Masayang sinalubong ng mga tauhan ng Overseas Workers Welfare Authority ang panibagong batch ng mga OFWs na mula sa Lebanon.
Ayon sa OWWA, ang mga 19 na OFW mula Lebanon ay nakauwi kaninang umaga at pawang mga nag-avail ng Voluntary Repatriation Program ng pamahalaan lulan ng Flight PR685 sa NAIA Terminal 1.
Kabilang sa mga sumalubong sa nasabing bagong batch ng OFW repatriates ay ang mga kawani mula sa Department of Migrant Workers (DMW), Department of Social Welfare and Development – DSWD, at Medical Team ng NAIA.
Bukod sa financial assistance, nagpaabot din ang OWWA ng food at transportation assistance pati na rin hotel accommodation, kung kinakailangan, para sa ating mga kababayan. | ulat ni Lorenz Tanjoco