Nakaamba na naman ang oil price hike ngayong linggo base sa pagtaya ng isang kumpanya ng langis na Unioil.
Ito ay naaayon sa unang tala ng Department of Energy (DOE) na oil price hike noong isang linggo.
Ayon sa forecast ng Unioil, tataas ang presyo ng diesel ng P0.50 hanggang P0.70 per liter habang ang gasolina naman ay tataas din ng P0.50 to P0.70 per liter.
Samantala, una nang sinabi ng DOE na ang kerosene lang ang may posibilidad na magkaron ng rollback na posibleng umabot nang hanggang P0.70.
Matatandaang, ang mababang suplay ng langis mula sa oil producing countries ang isa sa mga itinuturong dahilan ng oil department sa pagtaas ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado. | ulat ni Lorenz Tanjoco