Panukala sa paglalaan ng burial grounds para sa mga Muslim at IPs, lusot na sa Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas na layong mag-set up ng burial grounds para sa mga Muslim sa mga pampublikong sementeryo sa bansa. 

Sa naging botohan, 17 senador ang pumabor, walang tumutol at walang abstain para maaprubahan ang Senate Bill 1273. 

Sa ilalim ng panukala, tutukuyin ng mga public cemetery ang sukat ng burial grounds na ilalaan para sa mga Muslim, indigenous peoples, at iba pang denomination. 

Kung hindi naman sasapat ang ilalaang espasyo ay pwedeng bumili ang lokal na pamahalaan ng lupa. 

Una nang nilinaw ni Senate Committee on Cultural Communities and Muslim Affairs Chairperson Senador Robin Padilla na hindi layon nitong panukala na magtayo ng espesyal na pampublikong sementeryo na eksklusibo sa mga Muslim at IPs. 

Layon aniya nito na makasigurong makapaglalaan ng espasyo para sa paglilibing ng mga namayapang Muslim at IP na naaayon sa kanilang mga tradisyon at paniniwala.  | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us