Nakatakda nang lagdaan ang 2025 General Appropriations Act o ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon sa December 30.
Sa ibinahaging advisory ni Senadora Imee Marcos, isasagawa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Marcos ang ceremonial signing para sa pambansang pondo sa December 30, ganap na alas 9:30 ng umaga sa Malakañang.
Inaasahang dadaluhan ng mga senador at kongresista ang ceremonial signing ni Pangulong Marcos ng national budget.
Matatandaang una nang itinakda dapat noong December 20 ang signing ng 2025 national budget pero ipinagpaliban ito upang ayusin ang ilang kinuwestiyong item sa panukalang pambansang pondo.
Maliban sa target na petsa at oras ng paglalagda ng pambansang pondo, wala nang ibang detalye na binigay si Senadora Imee. | ulat ni Nimfa Asuncion