Inihain ngayong araw ng mga miyembro ng House Blue Ribbon Committee sa pangunguna ng Chairpeson nito na si Representative Joel Chua ang House Bill 11193.
Layon nitong maglatag ng mas mahigpit na kwalipikasyon sa government special disbursing officers at pagpapataw ng parusa sa maling pamamahala ng pondo na kanilang hinahawakan, bilang tugon sa mga kakulangan at butas sa kasalukuyang batas.
Resulta ito ng pag-iimbestiga ng komite sa P612.5 million na confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education sa ilalim ng pamumuno ni VP Sara Duterte.
Salig sa panukala, dapat ay permanenteng opisyal o empleyado ang SDO at hindi na basta-bastang itatalaga ng head of agency.
Dapat ay nasa Salary Grade 24 at may education background na may kinalaman sa accounting, auditing at ordinance.
Maliban sa pagpapataw ng administrative at criminal liabilities — ang mapapatunayang lumabag sa batas ay papatawan ng “perpetual disqualification” sa pag-upo sa public office o gobyerno.
Aalisin din ang kanilang benepisyo.
Malinaw rin na nakasaad, na hindi maaaring i-delegate ng SDO ang pag-disburse ng pondo sa ibang tao at kailangan tiyaking naberipika ng tama ang mga dokumento ng pinaggamitan ng confidential funds. | ulat ni Kathleen Forbes