Inaprubahan ng House Ways and Means Committee ang panukalang i-institutionalize ang Green Lane Program para mas gawing madali ang pagnenegosyo sa bansa.
Sa pagtakay ng komite sa sa panukala, sinabi ni Bukidnon 14st District Rep. Jose Manuel Alba layon ng panukalang batas na gawing institutional na ang Executive Order no. 18 na inisyu ng Malacanang na nagtatag ng Green Lane system sa lahat ng tanggapan ng gobierno upang pabilisin ang pagproseso at pagapruba ng mga dukomento.
Anya, ito ay tugma sa target ng gobierno na gawing investment hub ang Pilipinas.
Paliwanag pa ni Alba, ang Green Lane for Strategic Investment Act ay mapapabilis ang pagsasakatuparan ng layunin ng “ease of doing business” at mas makahikayat ng mga investors sa bansa.
Welcome naman sa Board of Investment (BoI) ang pag apruba ng House Panel ng hakbang at inaasahang magbibigay daan sa reporma sa pamumuhunan sa bansa. | ulat ni Melany Reyes