Nakikigapag-ugnayan na ang Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) sa Chinese Embassy, Department of Social Welfare and Development (DSWD), at iba pang ahensya ng gobyerno, kaugnay ng naiiwanang pamilya, partikular na ang mga anak ng mga ilegal POGO worker, na dinedeport pabalik ng China.
Ayon Kay Undersecretary Gilbert Cruz, hepe ng PAOCC, bagama’t sila ay nagbibigay ng tulong sa pamilyang iniiwanan ng mga ilegal POGO worker sa bansa.
Limitado lang ang kanilang pondo at kakayahan at layon ng PAOCC na matiyak ang kinabukasan at kapakanan ng mga naiiwang bata sa bansa.
Kaugnay nito nasa 190 Chinese ang nakatakda ulit i-deport pabalik ng China na naaresto sa Pogo Hub sa Lapu-Lapu City Cebu, Clark, Pampanga, Bamban, Tarlac at dito sa Pasay City.
Muli namang siniguro ng PAOCC magpapatuloy ang kanilang deportasyon sa mga susunod na araw at linggo maging ang operasyon laban sa ilang pang ilegal na POGO sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio