Binigyang-diin ng World Bank ang mahalagang papel ng mga lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng human capital sa pamamagitan ng mga programa sa kalusugan, nutrisyon, at early childhood.
Ayon sa World Bank, importante ito sa hangarin ng Pilipinas na maging isang middle-class country pagsapit ng 2040.
Ayon kay Zafer Mustafaoğlu, Country Director ng World Bank para sa Pilipinas, Malaysia, at Brunei Darussalam, dapat simulan ng maaga ang pag-iinvest sa human capital.
Bagamat patuloy ang pagsusumikap upang palakasin ang kakayahan ng mga LGU, nananatili ang mga hamon sa pagbibigay ng sapat na serbisyo para sa pag-unlad.
Kabilang sa suliranin ang kakulangan ng mga manggagawang nakatuon sa early childhood care.
Upang tugunan ang mga problemang ito, inirerekomenda ng World Bank ang malawakang reporma tulad ng pagresolba sa kakulangan ng manggagawa, pagpapalakas ng kakayahan ng mga LGU, at pagbibigay ng mas maayos na pagsasanay, kompensasyon, at insentibo para sa mga nagtatrabaho sa early childhood. | ulat ni Melany Reyes