Umapela si Akbayan Representative Perci Cendaña sa Department of Transportation (DOTr) na ikonsidera ang pagpapalawig sa operating hours ng LRT-1, LRT-2, at MRT-3 ng hanggang alas-dose ng hatinggabi mula sa kasalukuyang 10:30 PM.
Aniya, ito’y para maserbisyuhan pa rin ang libong mga manggagawa sa BPO at mga night shift na kailangan bumiyahe ng dis-oras ng gabi.
Malaking kaginhawaan aniya ito sa naturang mga manggagawa para makaiwas na maipit din sa traffic rush lalo na ngayong holiday season.
“It’s one way the government can alleviate the unpleasant experience ng pag-commute sa Metro Manila. Isipin natin na lalo lang din sisikip ang traffic ngayong holiday season. Dagdag parusa ‘yan sa ating mga commuter. Ibigay na natin ito sa kanila bilang maagang pamasko,” sabi niya.
May dagdag-benepisyo rin aniya sa kaligtasan ang pag-extend ng MRT at LRT operating hours dahil mayroong mga nag-iikot na security guard, maayos na pailaw at CCTV. | ulat ni Kathleen Forbes