Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na mananagot ang mga militanteng nanakit sa mga pulis sa kasagsagan ng kilos-protesta kaugnay ng Bonifacio Day noong Sabado.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, agad silang nagsampa ng patong-patong na kaso kabilang na ang paglabag sa Batas Pambansa 880 dahil sa kawalan ng permit to rally.
Ipinagharap din aniya ng kasong Direct Assult at Disobedience to a Person in Authority ang mga nanakit sa mga pulis kung saan, isa ang naaresto habang nananatiling at-large ang lider ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at ilang John Does.
Magugunitang walong pulis ang nasugatan sa kasagsagan ng kilos-protesta na gumaganap lamang ng kanilang tungkulin. | ulat ni Jaymatk Dagala