Hiling ni Senate President Chiz Escudero ang patuloy na pagkakaisa at dalhin ng bawat isa ang diwa ng pag-asa sa pagpasok ng taong 2025.
Sa kanyang new years message, giniit ni Escudero na kayang kaya nating lampasan ang anumang balakid basta’t nagkakaisa at nagsasama-sama.
Umaasa rin ang Senate President na pagninilayan ng bawat isa ang lahat ng mga pagsubok na dumaan nitong 2024.
Sa papalapit rin na May 2025 midterm elections ay hinihikayat ni Escudero ang lahat ng mga Pilipino na maging matalino sa pagboto.
Dapat aniyang gamitin ang okasyon na ito para makapaghalal ng mga lider na committed sa totoong pagbabago at pag-unlad.
Giniit ng senador na ang pagtugon sa isyu ng kahirapan ay nangangailangan ng mga pinunong ipaprayoridad ang pagtugon dito.
Sa pamamagitan aniya ng pagpili ng mga lider na magtataguyod ng katarungan at kaunlaran ay makakabuo tao ng mas magandang kinabukasan para sa Pilipinas.| ulat ni Nimfa Asuncion