Naniniwala si Senate Committee on Health Chairman Senador Christopher ‘Bong’ Go na nagkaroon ng mga pagbabago sa PhilHealth sa pamamagitan ng kanilang pagpupursigeng pagbutihin ng state health insurer ang kanilang trabaho.
Kabilang sa mga ipinunto ni Go ay ang naging adjustment sa case rates na tinaasan ng 50% across the board mula noong November 30.
Layon nitong mabawasan ang pasanin ng pinansiyal ng mga pasyenteng Pinoy at mapabuti ang access sa mahahalagang medical services.
Sinabi ng senador na kailangang tutukan ang philhealth para masigurado na tumitugon ito sa pangangailangan ng mga Pilipino.
Binigyang diin rin ng mambabatas ang pangangailangan na maging sustainable ang mga programa ng PhilHealth.
Aniya, hindi lang dapat sa daminng benepisyoagaling kundi dapat ring siguruhin na kaya itong pondohan ng PhilHealth sa mahabang panahon. | ulat ni Nimfa Asuncion