Binigyang-diin ni Police Brig. Gen. Anthony Aberin, National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Regional Director hindi sila titigil na sugpuin ang lahat ng klase ng kriminalidad sa kanilang nasasakupan.
Paliwanag ng heneral na tuloy-tuloy ang kanilang gagawing mga hakbang kontra sa masasamang loob habang patuloy ang pagkuha nito ng momentum sa pagsasagawa ng mga intelligence-driven operations.
Layon aniya nito na matiyak ang kaligtasan, seguridad, at makabuluhang holiday season sa Metro Manila.
Ginawa ni Aberin ang pahayag matapos maging matagumpay ang 24-hour long region wide operation nito kontra sa iba’t ibang klase ng kriminalidad sa National Capital Region (NCR). | ulat ni Mike Rogas