Nagpaabot ng pakikiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa paggunita ng Rizal Day.
Sa mensahe ng Pangulo, sinabi nitong nananatiling buhay hanggang sa kasalukuyan ang bisyon ng bayaning si Rizal
kahit mahigit isang siglo na ang lumipas.
Paghikayat ng Pangulo sa mga Pilipino na balikan ang kasaysayan nang may pagmamalaki at isabuhay ang lahat ng mga pinahahalagahan ni Rizal.
Ito ay ang pagmamahal sa bayan, ang dedikasyon sa katotohanan, at ang pagsusumikap para sa kapakanan ng ating mga kababayan.
Dapat din aniyang magkaroon ng lakas ng loob ang bawat isa para maging tagapagtaguyod ng pagbabago at panghawakan ang paniniwalang may maiaambag tayo para sa Pilipinas.
Nanawagan din ang Pangulo ng pagkakaisa bilang isang bayan na matatag sa layuning makamit ang mas maliwanag at mas matibay na Bagong Pilipinas na aniya’y ating maipagmamalaki. | ulat ni Alvin Baltazar