PBBM, nanawagan ng suporta sa ginaganap ngayong Metro Manila Film Festival sa ika-50 anibersaryo nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan Ngayon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Pilipino na tangkilikin ang ginaganap ngayong Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa mensahe ng Pangulo ay ginarantiya nito na ang mga magagandang pelikulang kalahok sa Golden Year ng MMFF ay siguradong magbibigay ng gintong saya at mag-iiwan ng mga ginintuang aral.

Bibida aniyang muli ang mga kwento ng ating lahi kaalinsabay ng ika-50 taong anibersaryo ng Metro Manila Film Festival na bahagi na ng buhay at kultura ng mga Pilipino.

Kaya paanyaya ng Pangulo na isama ang buong pamilya, buong barkada, at panoorin ang 10 pelikula na handog ng MMFF. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us