Sa katatapos na pamamahagi ng Land Title at Certificate of Condonation with Release of Mortgage o CoCROMS sa mga magsasakang benepisyaryo sa Rehiyon Dose, nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpapatuloy ang pamahalaan sa pag-iisip at pag-aaral ng mga bagong paraan upang masuportahan ang mga magsasaka, hindi lamang sa SOCCSKARGEN kundi maging sa buong bansa.
Aniya, pagsisikapan ito kasama ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang mapalago ang sektor ng agrikultura.
Habang kitang-kita naman sa mga mata ng mahigit labing-isang libong Agrarian Reform Beneficiaries (ARB) ang natanggap nilang CoCROMS at Land Title, na anila ay napakalaking tulong upang maibsan ang bigat na pasanin sa kanilang babayarin. | ulat ni Macel Mamon Dasalla | RP1 Davao