Base sa inilabas na Administrative Order 28 ay kwalipikadong makatanggap ng nasabing insentibo ang mga Job Order at Contract of Service personnel subalit may pagkakaiba sa halagang matatanggap depende sa haba ng serbisyo.
Sa bahagdan, ₱6,000 ang matatanggap ng may tatlong buwan na sa serbisyo subalit wala pang apat na buwan.
₱5,000 naman sa mga may dalawang buwan na pero wala pang tatlong buwan sa serbisyo at ₱4,000 naman para sa wala pang dalawang buwan sa serbisyo.
Saklaw ng gratuity pay ang national government, state universities, at GOCCs habang hinihikayat din ang mga nasa LGU na magbigay ng nasabing insentibo.
Inilabas ng Malacañang ang direktiba kahapon, December 19 at may lagda ni Executive Secretary Lucas Bersamin. | ulat ni Alvin Baltazar