PBBM, pinasalamatan sa kanyang direktiba na pagbuo ng Office of the Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation and Development

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si Lanao Del Sur Representative Zia Alonto Adiong kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang atas na pagtatatag ng Office of the Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation and development (OPMRD).

Ayon kay Adiong, mahalagang hakbang ito na sumasalamin sa matatag na layunin ng administrasyon na muling itaguyod ang Marawi, at bigyang lakas ang mga mamamayan nito upang maibalik ang kanilang matatag at resilient identity.

Aniya, ito ay patunay ng pagkilala ng national government sa hamong kinahaharap ng Marawi, at tiyaking makabangon muli ang Marawi sa pamamagitan ng malinaw na pagtatakda ng mandato at kapangyarihan ng bubuong ahensya.

Bilang Chairperson ng House Committee in Marawi Rehabilitation and Victims Compensation.. inihayag ng Lanao Del Sur Solon ang kanyang kahandaan na makipagtulungna sa OPMRD sa layuning ganap na rehabilitasyon at pag-unlad ng Marawi.

Umaasa ang lawmaker, na sa pamamagitan ng walang sawang pagsuporta ni Pangulong Marcos Jr. ay magbubunga ito ng renewed partnership sa pagitan ng gobyerno at Maranao people, para sa maunlad na kinabuksana at sa mga susunod na henerasyon. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us