Naka-heightened alert na ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2024.
Magmula Disyembre 20, 2024, hanggang Enero 3, 2025, magiging mahigpit ang pagbabantay nito sa mga pantalan upang masigurong ligtas ang biyahe ng publiko.
Nagpaalala rin si PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan na mahigpit ang kanilang pagpapatupad ng mga pre-departure inspection. Dagdag pa rito ang pag-deploy ng mga karagdagang sea marshals at K9 units upang masigurong walang dalang ipinagbabawal sa biyahe ang mga pasahero.
Sa monitoring kaninang madaling araw, naitala ng PCG ang 18,623 outbound passengers at 14,782 inbound passengers sa lahat ng pantalan sa buong bansa. Ayon sa ulat, nasa 2,736 frontline personnel ang naka-deploy mula sa 16 PCG Districts na nag-inspeksyon sa 127 vessels at 104 motorbancas.
Para sa anumang katanungan o reklamo, maaaring makipag-ugnayan ang publiko sa opisyal na Facebook page ng PCG o tumawag sa Coast Guard Public Affairs Service sa numerong 0927-560-7729.| ulat ni EJ Lazaro