PDEA, iginiit na di iniuugnay si Sen. Bong Go sa POGO at mga aktibidad sa iligal na droga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na hindi nito iniuugnay si Senator Bong Go sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) at mga aktibidad na may kaugnayan sa iligal na droga.

Paliwanag ito ng PDEA, matapos lumabas sa presentation nito sa Quad Committee Hearing ng Kamara noong November 27 ang pangalan at larawan ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, na tila nagdulot ng maling impresyon sa publiko.

Ayon sa PDEA, hindi itinuturing si Sen. Go na incorporator ng ano mang korporasyon na may kaugnayan sa operasyon ng POGOs, at hindi rin ito kailanman naging bahagi ng drug watchlist.

Dagdag pa nito, ang ipinakitang matrix ay produkto lamang ng pinagsama-samang impormasyon mula sa mga imbestigasyon ng Senado at Kongreso tungkol sa iligal na droga at POGOs, kasama ang datos mula sa intel ng ahensya.

“PDEA merely bared the presentation with an intention to provide all critical data available without withholding information so as not to be remiss in its legal obligation as an invited resource agency during formal investigations of the House of Representatives Quad Committee Hearing in aid of legislation.”

Sa gitna ng mga isyung pampulitikal ngayon, nanindigan ang PDEA na nananatili itong apolitical at non-partisan.

Nananatili rin itong tapat sa sinumpaang misyon, na protektahan ang bansa at ang sambayanang Pilipino laban sa panganib ng ilegal na droga. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us