Natapos na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapatupad ng ibat ibang peace and development projects sa mga maituturing na conflict-affected and vulnerable areas (CVAs) sa bansa.
Ayon kay DSWD Usec. Alan Tanjusay, aabot sa 222 community-driven peace and development projects ang nakumpleto na sa ilalim ng Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA).
Aabot sa P47.1-M ang pondong inilaan dito na kinabibilangan ng mga kalsada, water systems, hanging footbridge, solar powered streetlights at drying facilities na napakinabangan ng 60,634 residente.
Nasa 500 housing units na nagkakahalaga ng P131-M ang naipatayo rin sa sa Ipil, Tungawan, Sirawai at Sibuco sa Zamboanga Peninsula sa ilalim ng MSAP.
Karagdagang P16.6-M livelihood assistance rin ang naipamahagi sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP)-PAMANA
Nakapagpatayo din ng child development center sa Ibajay, Aklan na tutulong naman sa mga bata upang magkaroon ng maayos na eskuwelahan. | ulat ni Merry Ann Bastasa