Umabot sa ₱13.45 billion ang naitala ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na pamumuhunan na pumasok sa bansa ngayong buwan.
Ayon kay Peza Director General Tereso O. Panga na sa naturang naitalang pamumuhunan ngayong buwan nalagpasan na ng kanilang tanggapan ang kanilang target ngayong taon na nasa ₱215 billion na pamumuhunan ngayong 2024.
Dagdag pa ni Panga na ito na ang pinakamataas na naitalang pumasok na pamumuhunan sa bansa sa loob ng pitong taon.
Saad pa ni Panga na isa nagpakita ng magandang indikasyon ay ang mga batas na nagbibigay inisyatibo sa mga namumuhunan kaya ng Create More Law.
Sa huli, muli namang siniguro ng PEZA na ang mga nakukuhan pamumuhunan ng Pilipinas ay makakapaghatid ng mas maraming oportunidad at mas masiglang ekonomiya ng bansa.| ulat ni AJ Ignacio