PH Gov’t, inaasahang magbebenta ng mas maraming assets upang pataaasin ang revenue collection sa 2025

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahang mas maraming government assets ang maibebenta sa susunod na taon upang pataasin ang revenue collection ng bansa.

Ito ay kasunod ng pag-apruba ng panuntunan ng Privatization and Disposition of Government Assets ng Privatization Council (PrC).

Ayon sa Department of Finance, ang PrC ay ang policy-making body na minamandato na pangasiwaan ang privatization program ng gobyerno.

Mahalaga ang papel ng PrC upang tiyaking nasusunod ang tamang proseso ng pagbebenta ng assets ng pamahalaan.

As of Decemeber 2024, nakakakolekta na ang DoF ng 4.44 billion pesos mula sa Privatization Management Office PMO—mahigit na doble sa kita ng nakaraang taon.

Sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto, importante na pataasin ng gobyerno ang kita sa taong 2025 upang tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino. | ulat ni Melany Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us