Walang dapat ipangangamba ang publiko sa “zero budget” ng PhilHealth batay sa inaprubahang proposed 2025 budget ng Kamara at Senado.
Ito’y ayon sa pag-aaral ng CPAS lead group na binubuo ng mga Certified Public Accountant sa bansa.
Ayon kay Jose Esgana, lider ng grupo, batay sa audit report ng Commission on Audit (COA), mula taong 2018 hanggang 2023, mahigit ₱400 billion ang natitirang pondo ang PhilHealth mula sa kontribusyon at kita sa iba ibang investment.
Kahit hindi aniya mabigyan ng budget ang state insurer sa susunod na taon ay kayang kaya nito na tustusan ang pangangailangan ng mga benepisyaryo.
Aniya, hindi sila tutol kung bigyan man o hindi ng pondo ang Philhealth at gusto lamang nilang mapawi ang pangamba ng publiko
Umapela sila sa pamahalaan na baguhin na at pagandahin ang sistema ng PhilHealth at panagutin ang may mga pagkukulang at nagpabaya sa tungkulin.| ulat ni EJ Lazaro